Home OPINION MGA KORAP SA FLOOD CONTROL PROJECTS IKULONG NA

MGA KORAP SA FLOOD CONTROL PROJECTS IKULONG NA

1
0

KAHIT saan ngayon, sumisigaw ang mga mamamayan na ikulong na ang mga korap at mangingikbak sa mga flood control projects now na.

Anila, feel na feel ang ibinubunga nito lalo’t hindi lang ang buong bayan ang napeperwisyo kundi maging ang mismong mga gawaing pampamahalaan gaya impeachment trial na ilang beses nang napospon dahil sa baha.

Maliwanag pa sa sikat ng araw at liwanag ng buwan ang pagtutulak ng lahat na panagutin na ang lahat ng sangkot sa kikbakan sa flood control projects na siyang pangunahing dahilan ng mga napakaperwisyong pagbaha.

Anila, bagaman hindi mapigilan ang mga pagbaha dahil sa mga malalakas at matagalang pag-ulan, malaki sana ang kabawasan ng mga ito kung hindi nilalamon ng mga korap ang napakalalaking pondo para sa flood control projects.

Isipin na nga lang ang sinasabi mismo ng mga taga-Department of Public Works and Highways na sangkot sa mga kikbakan, umaabot sa 40 porsyento ng mga pondo ang nilalamon ng mga korap.

Resulta? Substandard o marurupok at putol-putol na mga proyekto.

Ang masama pa, may halo pang mga ghost o multong proyekto at overpricing ng materyales gaya ng bakal, semento, buhangin, adobe, rocknet at mababamg pasahod sa mga obrero.

Isa pa, hindi lang mga pambansang proyekto ang may matinding kikbakan dahil marami ring lokal na opisyal ang sangkot sa mga lokal na kontra-bahang proyekto at kasama rito ang pagpapairal ng bayanihan sa kabila ng pagkakaroon ng badyet para sa labor o paggawa.

Iba pang malaking problema sa nasyonal o lokal na mga proyekto, sinasadya ang marurupok na proyekto o paulit-ulit na pagtatayo at pagsira dahil sa tatlong taong panunungkulan lang ng higit na nakararaming halal na opisyal kaya kailangan nilang bumawi sa gastos sa halalan at kumita na rin ng sobra bilang pabaon sa kanilang mga sarili pag-alis nila sa pwesto.

Habulin at ikulong na silang mga korap sa Palasyo, Kongreso, kapitolyo at municipal at barangay hall.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here