MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ng adjusted operating hours ngayong Biyernes, Agosto 21, bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day.
Ayon sa LRT-1, alas-5:00 ng umaga aalis ang unang tren mula sa Dr. Santos Station at Fernando Poe Jr. Station.
Samantala, alas-9:30 ng gabi ang huling biyahe mula Dr. Santos Station, habang alas-9:45 ng gabi naman ang huling tren mula Fernando Poe Jr. Station.
Pinapayuhan ang mga pasahero na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe alinsunod sa holiday schedule.
Ginugunita tuwing Agosto 21 ang Ninoy Aquino Day bilang pag-alala sa anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Ito ay isang special non-working holiday. RNT