Home NATIONWIDE DOJ sa mga magulang: Mga anak bantayan online activities vs extremism

DOJ sa mga magulang: Mga anak bantayan online activities vs extremism

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Justice Secretary Fredderick Vida sa mga magulang na higpitan ang pagbabantay sa online activities ng kanilang mga anak dahil sa lumalalang recruitment ng mga extremist group sa mga online gaming platform.

Ayon kay Vida, tinitira ngayon ng mga recruiter ang mga menor de edad na matagal maglaro ng violent games. Pumapasok sila sa mga group chat para hanapin ang target at i-mentor patungo sa violent extremism.

Kasabay nito, nagbabala rin ang Kalihim laban sa pagbabahagi ng violent at graphic videos sa social media. Aniya, nakatutulong ito sa mga perpetrator para maghasik ng takot at maaaring magdulot ng copycat incidents.

Sinabi rin ni Vida na huwag nang palakihin pa ang graphic material. Aniya, ang pag-repost nito ay maaaring makaapekto sa katatagan ng lipunan.

Dagdag pa ni Vida, tinitingnan na rin ng DOJ kung may pananagutan ang mga nagbabahagi ng violent content.

Pero diin niya, kailangan muna ng boluntaryong pagpigil at digital responsibility ng publiko para mapigilan ang pagkalat ng violent media. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here