Home METRO 5 kelot, timbog sa kush, cannabis vape buy-bust sa GenTri

5 kelot, timbog sa kush, cannabis vape buy-bust sa GenTri

1
0

CAVITE — Limang lalaki, kabilang ang edad 18 at 19, ang arestado matapos makumpiskahan ng marijuana kush at cannabis vape sa magkahiwalay na operasyon sa General Trias City, Cavite.

Ayon sa ulat ng pulisya, unang naaresto sa buy-bust operation sina alyas “MJ,” 25; “LA,” 24; “Mark,” 18; at “JM,” 19.

Nakumpiska umano mula sa apat ang humigit-kumulang 2.740 gramo ng marijuana kush at limang vape device.

Kasunod ng naturang operasyon, nadakip din si alyas “Ruel,” 24, residente ng Tanza, Cavite.

Nakuha naman umano sa kanya ang 2.818 gramo ng marijuana kush at cannabis vape.

Sa kabuuan, nasa 5.558 gramo ng marijuana kush, bukod sa mga vape device na sinasabing may lamang cannabis liquid, ang nakumpiska sa mga operasyon.

Kasalukuyang nakadetine ang limang suspek sa General Trias City Police Station habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng pinagmulan ng mga nakumpiskang ilegal na droga. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here