Home HOME BANNER STORY P6.6B danyos sa Habagat, 3 bagyo naitala; 6.6M katao hagip

P6.6B danyos sa Habagat, 3 bagyo naitala; 6.6M katao hagip

1
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa P6.6 bilyon ang kabuuang pinsala sa agrikultura at imprastraktura dulot ng Habagat at mga bagyong Luis, Maymay at Neneng, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Biyernes, Agosto 21.

Sa pinakahuling datos ng OCD alas-6:00 ng umaga, nasa P4.88 bilyon ang pinsala sa imprastraktura habang P1.73 bilyon naman ang naitalang pagkalugi sa agrikultura.

Isinama na sa pinakahuling assessment ang epekto ng Tropical Cyclone Neneng sa naunang pinsalang dulot ng Habagat, Luis at Maymay.

Umabot na rin sa 6,620,335 katao o 1,905,622 pamilya ang naapektuhan sa 11 rehiyon kabilang ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula.

Nananatili sa 29 ang bilang ng mga nasawi, habang 19 ang nasugatan at tatlo ang nawawala.

Mahigit 52,000 katao naman ang nananatili sa 701 evacuation centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa OCD, 2,110 bahay na rin ang napinsala, kung saan 1,884 ang partially damaged at 226 ang totally damaged.

Umabot naman sa mahigit P1.02 bilyon ang tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong komunidad.

Samantala, 88 lungsod at bayan na ang nasa ilalim ng state of calamity, kabilang ang province-wide declarations sa Bataan, Bulacan, Pampanga at Cavite.

Kasama rin sa listahan ang Dagupan City at apat na bayan sa Pangasinan, Masinloc sa Zambales, Rodriguez sa Rizal at Nasugbu sa Batangas.

Nagbibigay-daan ang deklarasyon ng state of calamity upang mas mabilis na magamit ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang disaster funds at iba pang resources para sa relief at recovery operations. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here