MANILA, Philippines — Ikakasa ni Senador Raffy Tulfo ang mandatoryong pagsusuri sa storage facilities ng may-ari ng baril bago mabigyan ng lisensiya sa isasagawang pagrebyu sa umiiral na batas hinggil sa pagmamay-ari ng baril.
Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ni Tulfo na bilang bahagi ng Panawagan ng higpitan ang gun ownership, kanyang isusulong ang mandatory checking ng storage facilities bago mabigyan ng license to own and possess firearms (LTOPF).
Ani Tulfo, “We need to revisit existing laws on gun ownership.”
“Dapat bago mag-issue ng LTOPF ang [Philippine National Police] ay ma-inspect muna nila kung ang licensed owner ay mayroong secured na lugar na mapaglalagyan ng baril niya,” aniya sa press release.
Ipinananwagan ito ni Tulfo matapos ang madu;long shooting noong Agosto 18 sa Zamboanga City na isang estudyante ang gumamit ng government-issued firearm sa ama ng suspek na pawang Customs police officer.
Giit ng senador na isa sa isyu na dapat tugunan ang kawalan ng malinaw at mahigpit na alituntunin sa ilalim ng umiiral na batas sa firearm storage kaya madaing nakukuha ang baril tulad nang nangyari sa Zamboanga at Tacloban City.
Nanawagan din si Tulfo, tulad ng karamiha, sa pagtatakda ng mas mabigat na parusa sa may-ari ng baril na nagamit ito sa illegal at hindi angkop ng ibang tao.
“Kapag ikaw ang licensed owner at nagamit ang baril mo sa hindi tamang paraan, dapat kasuhan ka, makulong,” giit ni Tulfo.
Kaya’t hinikayat ni Tulfo ang awtoridad na palakasin ang panuntunan sa pagtugon sa access ng kabataan sa gadget, social media at online games.
Nanawagan din ang senador sa Department of Education (DepEd) na ipatupad ang mas malakas na seguridad sa paaralan kabilang ang paggamit ng handheld metal detectors sa inspection.
Aniya, dapat lumikha ng programa ang DepEd na magbibigay sa magiu;ang at turo ng tamang alituntuning sa pagtukoy at pag-was sa mararahas na ugali sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng Parent-Teacher Associations. Ernie Reyes