Home NATIONWIDE Ebidensya ‘di pulitika magpapasya sa impeachment case ni VP Sara — Ridon

Ebidensya ‘di pulitika magpapasya sa impeachment case ni VP Sara — Ridon

1
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pahayag ni Davao City Rep. Paolo Duterte na mayroong “predetermined narrative” o nakatakda nang hatol sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

“I don’t think it is accurate to even say na meron pong predetermined narrative. I think what is clear is, meron pong kanya-kanyang kuwento, meron pong kanyang paglalahad noong pong sitwasyon, ‘yung pong depensa at prosecution dito,” pahayag ni Ridon, na miyembro ng House Prosecution Panel.

Ani Ridon, ipagpapatuloy ng prosecution panel ang paglalatag ng mga ebidensya hinggil sa mga alegasyon laban kay Duterte at may buong karapatan ang panig ng depensa na sagutin ang lahat ng sakdal at magprisinta ng sarili nitong mga patunay.

“Kasi sa dulo-dulo naman, hindi politika ang magsasalita dito eh. Ang magsasalita talaga rito, ano ang nailatag ng prosecution, ano ‘yung nailatag ng depensa sa kabuuan,” pahayag ni Ridon.

Aniya, nakasalalay sa bigat ng ebidensya kung hahantong sa conviction o acquittal ang kaso.

Iginiit pa ni Ridon na mas mahalagang mangibabaw ang paghahanap sa katotohanan kaysa sa anumang pampolitikang layunin sa loob ng impeachment court. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here