Home ENTERTAINMENT Sct Esguerra gate ng ABS-CBN, permanente nang isinara!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sct Esguerra gate ng ABS-CBN, permanente nang isinara!August 21, 2026 12:28130 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Permanently closed na ang main gate ng ABS-CBN Broadcasting Center sa Sct. Esguerra Avenue cor. Mother Ignacia sa Quezon City.Kasabay nito’y nagpaalam na ang mga empleyado sa naturang pasukan/exit, maging sa mga nakatalagang security personnel.“We will miss you, ABS-CBN Esguerra gate. The gate closes at 6 am today,” pamamaalam ng isang news reporter.Marami ang nalungkot sa pahayag ng reporter base sa mga nakasaad sa comment section.Matatandaang nag-expire ang 25-year congressional franchise ng istasyon noong May 4, 2020.Nag-issue ng cease and desist order ang NTC kinabukasan.Tinabla naman ng kongreso ang franchise renewal noong July 10 nang taon ding ‘yon.Dama ang impact ng scenario na ‘yon as network employees went jobless.Naapektuhan din ang kita at operasyon ng ABS-CBN.Pero nakaraos naman ito sa pakikipag-partner sa TV5, AZZ, GMA, ALLTV at Cignal.Taong 1968 unang binuksan ang ABS-CBN Broadcasting Center sa Bohol Avenue now known as Sct. Esguerra. Ronnie Carrasco III