Home METRO Tugboat na sumadsad sa baybayin ng Botolan, Zambales lumubog na

Tugboat na sumadsad sa baybayin ng Botolan, Zambales lumubog na

1
0

ZAMBALES, Philippines – Lumubog na ang tugboat na sumadsad sa baybayin ng bayan ng Botolan, Zambales nitong madaling-araw ng Lunes, ayon sa Philippine Coast Guard o PCG.

Ang Tugboat SUAL 1, na pagmamay-ari ng SMC Shipping and Lighterage Corp., ay nalubog dahil sa malalakas na alon sa may Bucao River sa Barangay Bangan,  ayon kay Euphraim Jayson Diciano, pinuno ng PCG sa lalawigan.

Aniya, sadya itong isinadsad sa baybayin ng Bucao River noong Biyernes, Agosto 14, bandang 2 ng madaling araw para maiwasan ang paglubog matapos pasukin ng tubig  at bahain ang engine room.

Nailigtas ng PCG ang lahat ng crew members at iniulat na ligtas sila at walang nasugatan o may problema sa kalusugan.

Sinabi ni Diciano na nagsagawa ng emergency salvage operation, pero lumubog pa rin ang barko. Dahil dito, nagpatawag siya ng emergency meeting noong 1 ng hapon  para talakayin ang insidente at mga kailangang tugon.

Patuloy na binabantayan ng PCG ang lugar at tinatasa ang kalagayan ng lumubog na barko at ng mga karatig na katubigan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here