Home METRO Ilang lugar sa Las Piñas, 15 oras #WalangTubig sa Aug. 26

Ilang lugar sa Las Piñas, 15 oras #WalangTubig sa Aug. 26

1
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ang mga residente ng limang barangay sa Las Piñas City na mag-imbak ng sapat na tubig dahil magsasagawa ang Maynilad Water Services, Inc. ng nakatakdang service interruption na tatagal nang humigit-kumulang 15 oras simula Miyerkules ng gabi, Agosto 26.

Ang mga apektadong barangay ay Almanza Uno, Pilar, Talon Uno, Talon Dos, at Talon Singko.

Ayon sa water concessionaire, magsisimula ang pagkawala ng suplay ng tubig alas-10:00 ng gabi ng Agosto 26 at inaasahang matatapos alas-1:00 ng hapon ng Agosto 27.

Ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ay dulot ng nakatakdang maintenance works sa Marcos Alvarez Pumping Station at Magdiwang Pumping Station and Reservoir.

Hinikayat ang mga residente, lalo na ang mga pamilyang may mga bata, senior citizen, at mga negosyong nangangailangan ng tubig, na maghanda at mag-imbak ng sapat na suplay bago ang nakatakdang maintenance.

Humingi naman ang Maynilad ng pasensya at pang-unawa sa mga apektadong consumer habang isinasagawa ang mga maintenance activity. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here