Manila, Philippines – Boom Labrusca is in the news these days lalo’t napapaulat ang tungkol sa mga shooting incident involving minors.
Mabilis na dumepensa si Boom kay Sen. Kiko Pangilinan who’s taking the blame for it.
Sa tuwing may mga ganito nga namang krimen sangkot ang mga menor de edad, it’s always Kiko who’s dragged into it.
Worse, lagi ngang pinagbubuntunan ng sisi.
It’s because of the law which Kiko co authored–ang Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
Binabaan kasi sa naturang batas ang edad ng kabataang sangkot sa krimen.
Himutok ni Boom: “Ano’ng kinalaman ni Kiko pag may krimen ang isang kabataan? Ano ‘yan, ‘di ba dapat, ang mga magulang muna?”
Ginawang reference ni Boom ang mga campus brawls.
Karaniwan daw kasing ipinatatawag ng school principal, teacher o guidance counselor ang magulang ng bata: “Si Kiko na pala ngayon?”
Naging basis tuloy ang post ni Boom to give way to discussions.
Bukod sa shooting incidents sa mga paaralan, kontrobersyal din ang mga post ni Boom tungkol sa baha dahil sa basura na isinisisi sa mga informal settlers.
Naimbyerna ang mga ito to the point of calling Boom laos at “career-less.”