Home NATIONWIDE Bisyo ang magserbisyo: Senator Bong Go dinamayan, nagbigay-tulong sa mga biktima ng...

Bisyo ang magserbisyo: Senator Bong Go dinamayan, nagbigay-tulong sa mga biktima ng sunog sa Pasay City

1
0

MANILA, Philippines – Personal na dumalaw si Senator Bong Go sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. 106 at Brgy. 107 sa Pasay City ngayong Lunes, August 24, 2025 at nagpaabot ng tulong sa 221 pamilyang nawalan ng tahanan.

Kasama niya sa pagbisita sina Brgy. 106 Chairperson Maricel De Leon, Brgy. 107 Chairperson Salvador Vargas, at mga barangay kagawad na katuwang sa pag-asikaso sa mga apektadong residente. Namahagi ang senador ng financial assistance, grocery packs, meryenda, vitamins, water containers, at shirts. May ilang benepisyaryo rin na nakatanggap ng bisikleta, cellphone, relo, bags at sapatos.

Bilang principal author at co-sponsor ng BFP Modernization Act at Ligtas Pinoy Centers Act, binigyang-diin niya na mahalaga ang fire prevention, sapat na kagamitan at personnel ng BFP, at edukasyon sa komunidad upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at ari-arian. Patuloy rin niyang isinusulong ang mas ligtas na evacuation centers at mas matatag na disaster preparedness para sa mga Pilipino. RNT

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here