Home NATIONWIDE PBBM, hangad mas maraming pribadong ospital na mauugnay sa mas abot-kayang healthcare

PBBM, hangad mas maraming pribadong ospital na mauugnay sa mas abot-kayang healthcare

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa higit na pagtutulungan sa pagitan ng government at private hospitals upang matiyak ang mas malawak na access sa abot-kayang healthcare.

Sinaksihan ni Pangulong Marcos ang pagtinta sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at St. Luke’s Medical Center–Global City naglalayong palakasin ang implementasyon ng PhilHealth benefits.

“Ito ay para hindi na matatakot ang mga nagkakasakit na pumunta sa private hospital dahil wala silang pambayad. Ito’y napakalaking bagay at simula lang siguro ito,” ang sinabi ng Pangulo sa panayam ng mga mamamahayag matapos ang signing ceremony.

“St. Luke’s ang nag-umpisa tayo sa St. Luke’s at paparamihin pa natin ‘yan para lahat na talaga ng ating mga facilities, healthcare facilities, ay kasama na sa mga programa natin,” aniya pa rin.

Sa ilalim ng MOA, sinabi ng Pangulo na kapit-bisg ang PhilHealth at St. Luke na palakasin ang implementasyon ng no co-payment policy, mas kilala rin bilang no balance billing policy.

Ang polisiya ay nagbibigay katiyakan na ang kuwalipikadong miyembro ng PhilHealth ay makakapag-avail ng libreng basic ward accommodations sa St. Luke’s.

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni PhilHealth Acting President at CEO Beverly Lorraine Ho na ang bagong kasunduan ay magbibigay pahintulot sa mga kuwalipikadong miyembro ng PhilHealth na nangangailangan ng specialized treatment na makapag- avail ng piling serbisyo sa St. Luke’s.

“Tinutulungan po tayo ng St. Luke’s para mas makapag-serve ng maraming patients na hindi po sila kailangan magdagdag bayad,” ayon kay Ho.

Winika pa ni Pangulong Marcos na nagpahatid ng mahalagang mensahe ang St. Luke sa pamamagitan ng pagsama sa kasunduan at pagtulong na mapalawig ang healthcare access para sa mga PhilHealth members.

“For our healthcare system, it means bringing together the strengths of the public and private sectors to better serve more Filipinos,” ayon sa Pangulo. (KRIS JOSE) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here