Home METRO BARMM nananatiling mapayapa bago eleksyon – Comelec

BARMM nananatiling mapayapa bago eleksyon – Comelec

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nananatiling mapayapa at maayos ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bago ang unang parliamentary elections na nakatakda sa Setyembre 14.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, isang election-related incident pa lamang ang naitala sa rehiyon.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Comelec sa DILG, AFP, PNP at iba pang security agencies upang masuri ang peace and order situation at matiyak ang ligtas at maayos na halalan.

Nadagdagan ang mga security personnel sa BARMM matapos ang ambush sa convoy ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua noong Agosto 15 sa Barangay Dulangan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Wala namang nasaktan sa insidente si Macacua at ang kanyang mga kasama.

Ayon sa Comelec, itinuturing na election-related incident ang ambush. Samantala, tinukoy naman ito ng PNP bilang isang “suspected election-related incident.”

Sinabi ng Comelec na kailangang dagdagan ang seguridad sa mga lugar na may potensyal na banta, ngunit hindi ito dapat magmukhang militarisado upang hindi magdulot ng takot sa mga residente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here