Home IN PHOTOS Paglutas sa lumalaking problema sa trapiko, tinalakay ng MMDA, 17 LGU sa...

Paglutas sa lumalaking problema sa trapiko, tinalakay ng MMDA, 17 LGU sa MM

1
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang ikatlong Joint Coordination Committee (JCC) meeting para sa Capacity Enhancement on Traffic Management with Improvement of Intelligent Transportation Systems for Metropolitan Manila (MMITS) Project.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng 17 LGU ng Metro Manila, national government agencies, at mga miyembro ng academe. Tinalakay ang progreso ng proyekto, mga natapos na gawain, at mga susunod na hakbang para mapalakas ang intelligent transportation systems (ITS), traffic data management, at paggamit ng teknolohiya sa pamamahala ng trapiko.

Ayon kay Artes, mahalagang mapalakas ang kakayahan ng MMDA sa ITS planning at paggamit ng transport data upang mas mahusay na matugunan ang lumalaking problema sa trapiko.

Sinabi naman ni JICA Senior Representative Takanori Morishima na naging posible ang mga progreso dahil sa pagtutulungan ng JICA, MMDA, LGUs, national government agencies at iba pang katuwang.

“Panahon na para sa ‘bagong gawi.’ Panahon na para mapabilis at mapaginhawa ang paglalakbay nating mga Pilipino!”

Sa Output 1, tinatalakay ang finalization ng short-term action plan at pagtukoy sa mga task force na tutugon sa aktuwal na pangangailangan ng MMDA.

Sa Output 2, dalawang pilot project ang binibigyang-diin:

–Smart Pole Implementation Plan – paglalagay ng iba’t ibang sensor sa mga kasalukuyang MMDA pole sa isa hanggang dalawang piling intersection upang makalikom at masuri ang traffic at environmental data.

–Mobile application – pagpapaunlad sa winning app na “Lakbay Points,” na ginawa ng isang team mula sa Cagayan State University. Layunin nitong makatulong sa traffic management at maaaring i-integrate sa mga sistema ng LGUs at national government agencies.

Sa Output 3, patuloy na ina-upgrade ang Waze dashboards at nire-redevelop ang traffic data platform upang pagsama-samahin ang iba’t ibang traffic data.

Kasama rin dito ang Traffic Signal Control Improvement Task Force at pagbuo ng Road DX System, isang integrated platform para sa data, visualization at decision support.

Sa susunod na anim na buwan, pagtutuunan ng proyekto ang pagpapaunlad ng ITS Development Plan, aktuwal na pagpapatupad ng unang pilot project, at patuloy na pag-develop sa mobile application.

Binigyang-diin naman ni MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr. na kailangang maisalin sa konkretong aksyon ang mga napag-usapan at ma-integrate ang mga pilot project sa regular na traffic management operations ng MMDA.

Ang MMITS project ay bahagi ng mas malawak na Five-Year Action Plan for Traffic Management 2023–2027, na nagmula sa JICA Technical Cooperation Project on the Comprehensive Traffic Management Plan na isinagawa mula 2019 hanggang 2022. DANNY QUERUBIN

     

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here