Home HOME BANNER STORY “Groomers” sa mga online games, nabunyag ng NBI

“Groomers” sa mga online games, nabunyag ng NBI

1
0

MANILA, Philippines – Kinilala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang grupong umano’y nang-gro-groom o nanghihikayat sa mga menor de edad na gumawa ng karahasan, ayon kay NBI Director Melvin Matibag.

Lumabas ang impormasyon habang iniimbestigahan ng NBI ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) Junior High School noong Agosto 18, kung saan isang 14-anyos na Grade 8 student ang sinasabing bumaril at nag-livestream ng insidente sa Facebook.

Ayon kay Matibag, may group chat umano ang mga tinaguriang “groomers” na nagta-target sa mga kabataang edad 12 hanggang 19. Tinatayang nasa 1,000 miyembro ang grupo, karamihan ay Pilipino ngunit mayroon ding mga miyembro mula sa ibang bansa.

Sinabi ni Matibag na pumasok ang NBI sa naturang group chat ngunit kalaunan ay nabuwag ito.

May tinatawag umanong “initiation” ang grupo kung saan hinihikayat ang mga miyembro na gumawa ng mararahas at ilegal na gawain, kabilang ang paggawa ng bomba. Patuloy namang bineberipika ng NBI kung konektado ang grupo sa pamamaril sa AdZU at iba pang insidente ng school violence sa bansa.

Makikipagpulong ang NBI, kasama ang Office of the Executive Secretary at Department of Information and Communications Technology–Cybercrime Investigation and Coordinating Center, sa Meta upang humingi ng tulong sa imbestigasyon.

Sinabi rin ni Matibag na i-profile ng NBI ang mga taong nagbahagi ng video ng pamamaril, kabilang ang posibilidad na may koneksyon sila sa umano’y groomers. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here