Home METRO 2 rider utas sa pagbangga sa tumatawid na kalabaw

2 rider utas sa pagbangga sa tumatawid na kalabaw

1
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Patay ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos nilang bumangga sa isang malayang gumagalang na kalabaw sa Barangay Guimbalaon, Silay City, Negros Occidental noong Linggo, Agosto 23.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima sa mga pangalang Ed, ang driver ng motorsiklo, at ang kanyang angkas na si Janjan.

Ayon kay Police Lt. Col. Edison Garcia, hepe ng Silay City Police Station, papunta sa barangay proper ang dalawa nang biglang tumawid sa kalsada ang kalabaw at kanilang nabangga.

Tumilapon ang dalawang rider at nagtamo ng mga pinsala. Idineklarang patay si Ed sa ospital, habang pumanaw naman si Janjan makalipas ang ilang oras.

Batay sa imbestigasyon, nag-aaway umano ang dalawang kalabaw sa gilid ng kalsada nang makatakas ang isa at tumakbo patungo sa daan, na naging sanhi ng aksidente.

Nagtamo rin ng malaking pasa sa kaliwang binti ang kalabaw.

Nakaiskedyul namang magharap ang may-ari ng kalabaw at mga pamilya ng dalawang nasawi upang pag-usapan ang insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here