Home NATIONWIDE Fuel subsidy para sa mga pribadong motorista, wala pa – Malakanyang

Fuel subsidy para sa mga pribadong motorista, wala pa – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malacañang na wala pang napag-uusapan na fuel subsidy para sa mga pribadong motorista, kahit muling tumaas ang presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi pa isinasaalang-alang sa ngayon ng gobyerno ang naturang ayuda para sa mga private motorists.

Noong Agosto 25, nagpatupad ang mga oil retailer ng dagdag-presyo na hanggang P2.31 kada litro sa mga produktong petrolyo. Tumaas din ang presyo ng gasolina nang hanggang P1.08 kada litro at kerosene nang hanggang 95 sentimos kada litro.

Samantala, patuloy na tumatanggap ng P12 kada litro na fuel subsidy ang mga driver ng passenger jeepney at UV Express. Nagsimula ito noong Agosto 15 at mananatili habang mataas ang presyo ng langis dahil sa epekto ng tensyon sa Middle East.

Sinabi rin ni Castro na patuloy na pinag-aaralan ng gobyerno ang panukalang itaas ang income tax exemption threshold sa P350,000 kada taon, mula sa kasalukuyang P250,000, bilang hakbang upang mabawasan ang pasanin sa middle class.

Iminungkahi rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang exemption ng micro at small enterprises sa minimum corporate income tax. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here