Home NATIONWIDE PNP, nagbabala sa AI-generated police photos

PNP, nagbabala sa AI-generated police photos

2
0

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na malinaw na tukuyin kung AI-generated o digitally altered ang mga larawang nagpapakita ng mga taong nakasuot ng police uniform, lalo na kung maaari silang mapagkamalang tunay na pulis.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., hindi layunin ng paalala na pigilan ang paggamit ng artificial intelligence kundi maiwasan ang maling impresyon at posibleng panlilinlang sa publiko.

“Kapag police uniform ang gamit sa isang generated image, dapat malinaw na hindi ito tunay na police personnel. Simple lang ang punto—enjoy the technology, but do it responsibly,” ani Nartatez.

Sinabi ng PNP na habang nagiging mas realistic ang AI-generated photos at videos, mahalagang may malinaw na disclosure upang hindi mapagkamalang totoong miyembro ng pulisya ang isang sibilyang nasa larawan.

Nagbabala rin ang PNP na ang hindi awtorisadong paggamit ng police uniform o insignia, kabilang sa ilang AI-generated content na inilalabas online, ay maaaring magkaroon ng legal na implikasyon depende sa paraan ng paggawa, presentasyon at paggamit nito.

Sa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code, maaaring managot ang sinumang publiko at hindi wastong gumamit ng uniporme o insignia ng isang tanggapan o grupong hindi naman niya kinabibilangan.

Kapag ang naturang krimen ay ginawa sa pamamagitan ng information and communications technology, maaari ring pumasok ang Section 6 ng Cybercrime Prevention Act, na nagsasabing ang mga krimeng nasa Revised Penal Code na ginawa gamit ang ICT ay sakop ng batas at maaaring patawan ng mas mataas na parusa.

Gayunman, hindi nangangahulugan na awtomatikong ilegal ang lahat ng AI-generated images na may police uniform. Ang posibleng pananagutan ay nakadepende sa aktuwal na paggamit ng larawan at kung ito ay ginawa o ipinakita sa paraang maaaring magpanggap, manlinlang o magbigay ng maling impresyon sa publiko. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here