Home METRO Dalagitang bakwit na kukuha lang ng gamit, nakuryente sa baha sa Calumpit

Dalagitang bakwit na kukuha lang ng gamit, nakuryente sa baha sa Calumpit

2
0

BULACAN — Nasawi ang isang 17-anyos na babae matapos umano siyang makuryente at mahulog sa baha sa Barangay San Miguel, Calumpit, Bulacan.

Nangyari ang insidente noong Agosto 19 habang tumatawid ang dalagita sa pansamantalang tulay na gawa sa kahoy sa Sitio Bagong Barrio, ayon sa ulat na nakabatay sa impormasyon ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na nadulas ang biktima at aksidenteng napahawak sa basang kable ng kuryente bago nahulog sa baha.

Base sa ulat, pabalik sana sa kanilang bahay ang dalagita upang kumuha ng mga gamit na dadalhin sa evacuation center nang mangyari ang insidente.

Tinangka siyang sagipin ng kanyang ama at isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Sinisi ng ina ng biktima ang umano’y mga nakalaylay na kable ng kuryente sa kanilang lugar. Hindi pa malinaw kung kanino nakatalaga ang naturang linya o kung may nauna nang ulat tungkol dito.

Nasa tatlo hanggang apat na talampakan ang baha sa Barangay San Miguel sa panahon ng insidente, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Matagal nang binabaha ang Calumpit bunsod ng magkakasunod na pag-ulan at pagtaas ng tubig sa mga karatig na lugar. Kabilang ang Barangay San Miguel sa mga flood-prone area na minomonitor ng Bulacan PDRRMO. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here