Home METRO Wanted na may 18 kaso ng rape, arestado

Wanted na may 18 kaso ng rape, arestado

1
0

MANILA, Philippines – Isang lalaking may 18 kaso ng rape at kabilang sa listahan ng Regional Level Most Wanted Persons ang naaresto sa isinagawang operasyon sa Makati City.

Sa report ng pulisya, kinilala ang suspek sa alyas na “Nick,” residente ng Dasmariñas City, Cavite, na nagtatago sa batas dahil sa kasong sexual abuse.

Base sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang isagawa ng Magallanes Municipal Police Station ang operasyon sa Rockwell Drive, Barangay Poblacion, Makati City, bilang bahagi ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).

Napag-alaman na nadakip ang suspek na si “Nick” sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Executive Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 129 sa Dasmariñas City, Cavite noong Hunyo 18, 2025.

Batay sa nakalap na impormasyon, 18 counts ng rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1, kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 11648, ang kinakaharap ng suspek.

Bukod dito, nahaharap din siya sa tatlong counts ng Acts of Lasciviousness, alinsunod sa Article 336 ng Revised Penal Code at Article III, Section 5 ng Republic Act No. 7610, kaugnay ng sexual abuse by lascivious conduct.

Para naman sa tatlong kaso ng Acts of Lasciviousness, may inirekomendang ₱180,000 na piyansa sa bawat kaso. Samantala, walang inirekomendang piyansa para sa 18 counts ng rape. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here