Home NATIONWIDE 31 na patay sa Habagat, Bagyong Luis, Maymay at Neneng

31 na patay sa Habagat, Bagyong Luis, Maymay at Neneng

1
0

MANILA, Philippines – Umakyat sa 31 ang bilang ng mga nasawi sa pinagsamang epekto ng Bagyong Luis, Maymay, Neneng at Habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Miyerkules, Agosto 26.

Iniulat ng OCD na mayroong 31 nasawi, 19 ang sugatan at tatlo ang nawawala dahil sa sama ng panahon.

Naitala sa Benguet ang pinakamataas na fatalities sa 15, kabilang ang 10 sa Baguio City, dalawa sa La Trinidad, at tatlo sa Atok na lahat ay dahil sa landslide.

Nakapagtala naman ng tig-apat na namatay sa Rizal at Batangas.

Sa Rizal, dalawa ang nasawi dahil sa rockslide sa Rodriguez, habang may namatay naman dahil sa bumagsak na puno sa Antipolo at pagkalunod sa Binangonan.

May isang namatay dahil sa pagkalunod sa Batangas City at Mabini, pagkakuryente sa Lipa, at landslide sa Santa Teresita.

Mayroon ding naitalang namatay sa Occidental Mindoro (2), La Union (1), Quezon City (1), Oriental Mindoro (1), Negros Occidental (1), at Caloocan (1). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here