Home NATIONWIDE Access sa GoreBox ipinagbawal na ng DICT sa bigong pagtugon sa mga...

Access sa GoreBox ipinagbawal na ng DICT sa bigong pagtugon sa mga isyu

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Miyerkules, Agosto 26, na hinarang na nito ang access sa online game na GoreBox sa Pilipinas matapos bigong matugunan ng platform ang mga pangamba sa posibleng masamang epekto nito, ayon kay DICT Secretary Henry Aguada.

“Nag-reach out kami sa kanila. Binigyan namin ng due process, notice, ebidensya na nakakasakit yung platform.Tapos humingi kami ng ano ba yung gagawin niyo para ma-prevent yung harmful effect ng GoreBox,” sinabi ni Aguda sa panayam ng DZBB.

“Hindi sila makapag-responde. Kaya sila mismo voluntarily sabi, ‘Sige puwede niyo na kaming tanggalin, pwede niyo na kaming i-block.’ So mutually agreed ‘yun. Hindi po ‘yan unilateral,” dagdag pa.

Noong Hunyo, pansamantalang ipinagbawal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang GoreBox matapos na maiugnay ang laro sa shooting incident sa isang paaralan sa Tacloban City.

Tatlo katao ang nasawi at 20 ang sugatan sa naturang insidente.

Tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na ang marahas na galaw ng isa sa mga suspek ay naimpluwensyahan ng GoreBox. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here