MANILA, Philippines – Hindi pa kumpleto ang ilang master plans para sa flood mitigation structures sa buong bansa, ayon kay Public Works ang Highways Secretary Vince Dizon na binanggit ang alalahanin sa climate change at kakulangan ng plano sa maraming lugar.
Ibinahagi ni Dizon ang update sa House Committee on Appropriations briefing ng ahensya sa panukalang 2027 budget.
Sinabi ni Dizon na maraming river basin master plans sa buong bansa ang outdated o hindi pa natapos.
Aniya, hindi basta magagamit ang lumang master plans o pag-aaral mula sa mga nakaraang taon dahil sa epekto ng climate change.
Sinabi rin ni Dizon na wala pang master plan para sa National Capital Region maliban sa mga lugar tulad ng Quezon City, Pasig City, Marikina City, at Manila City.
Binanggit niya na maraming mga master plan na nabuo ang na-pattern sa drainage master plan ng Quezon City.
Binigyang-diin niya noon ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at rehiyonal, probinsiya, at lokal na awtoridad upang matiyak na ang mga proyektong nagkakahalaga ng milyun-milyon o bilyun-bilyong piso ay maayos na matutugunan.
“Kaya pumapasok yung requirement yung regional development councils, provincial development council, local development council or at the very least, certificate of no objection from the LGUs [local government units] para coordinate ang mga proyekto ng DPWH sa ating regional, provincial, local authorities,” sabi ni Dizon. Jocelyn Tabangcura-Domenden