Home NATIONWIDE 4 LGU palalakasin coordinated traffic, transport management sa Marcos Highway

4 LGU palalakasin coordinated traffic, transport management sa Marcos Highway

1
0

MANILA, Philippines – Pumirma ng memorandum of understanding (MOU) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Pasig City, Marikina City, Antipolo City, at Cainta para palakasin ang coordinated traffic at transport management sa Marcos Highway.

Ang inisyatiba ay sumusuporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng matibay na koordinasyon sa mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan para tugunan ang traffic congestion at mapabuti ang mobility at transportation services.

Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang MOU signing sa MMDA Headquarters sa Pasig City.

Nilahukan ito nina Pasig City Mayor Victor Ma. Regis “Vico” Sotto, Marikina Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro, Cainta Mayor Atty. Johnielle Keith Nieto, at Antipolo City Mayor Casimiro Ynares III.

Sinabi ni Artes na layon ng MOU na maglatag ng unified approach para tugunan ang traffic congestion, road obstructions, at iba pang traffic concerns sa Marcos Highway.

Sa ilalim ng kasunduan, ang MMDA at participating LGUs ay magsasagawa ng patuloy na pag-alis ng mga sagabal sa Marcos Highway.

Kabilang dito ang illegally parked o stalled vehicles, unauthorized terminals at mga istruktura, maging ang mga ambulant vendor at peddlers na sumasakop sa mga sidewalk at iba pang public spaces.

Sisiguruhin din na may nagmamando sa Marcos Highway sa lahat ng pagkakataon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here