MANILA, Philippines – Matinding kinuwestiyon ng ilang senador ang paggamit ng Office of the Vice President (OVP) ng P122 milyon confidential funds na ipinambili ng gamot at iba pang supplies bilang bahagi ng reward system nito sa informants.
Sa magkahiwalay na pagtatanong si impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kapwa kinuwestiyon nina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Erwin Tulfo ang pamamaraan ng OVP sa paggastos ng multi-milyong confidential funds.
Natuklasan sa testimonya ng ilang matataas na opisyal ng OVP kabilang si Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio na ginastos ni Duterte ang naturang confidential funds sa pagbili ng gamot at iba pang supplies bilang reward sa informant kapag may security operations ang tanggapan.
Kaya’t tinanong ni Pangilinan si Ortonio kung pangkaraniwan lamang ang paggamit ng confidential funds upang ipambili ng gamot bilang reward sa informants sa confidential activities ng OVP.
Ipinagtataka ni Pangilinan kung bakit hindi kinuwesetiyon ni Ortonio ang kawalan ng dokumento sa pagbili ng gamot dahil siya ang chairman ng Bids and Awards Committee.
“So you find this process na medicines ang binibigay bilang reward sa mga informant, pero hindi medicines, pera, sila ang bibili ng medicines. 122 million in a period of 9 months, for you that is usual?” tanong niya.
Ikinatuwiran ni Ortonio na naniniwala siyang dumaan sa prosesong pinapayagan ng batas ang paggamit ng pondo at wala siyang alam sa implementasyon ng confidential activities.
Aniya, nalaman lamang niya ang pagbili ng gamot nang makatanggap ang OVP ng Audit Observation Memorandum (AOM) mula sa Audit (COA).
Sinusugan naman ni Tulfo ang katanungan ni Pangilinan sa pagsasabing masyadong hindi tama ang paggamit ng confidential funds.
Sa kanyang pagkuwesstion, piniga ni Tulfo si Ortonio hinggil sa audit findings hinggil sa hindi tamang paggamit ng confidential funds.
Ayon sa senador, “under Joint Memorandum Circular No. 2015-01, confidential funds meant for rewards to informants must be paid directly in cash rather than distributed as relief goods or supplies.”
“Did you understand Commission on Audit (COA) rule that while confidential funds allow payment of rewards to civilian informants, it cannot be done through broad distributions of medicine, food, or household items? If it is a reward, it must be a direct financial payout, not physical goods,” tanong niya sa ginanap na ika-19 araw ng paglilitis ni Duterte sa paglulustay ng pondo
Binanggit din ni Tulfo ang pagpapalabas ng COA ng Notice of Disallowance sa halagang ₱73.3 million ng 2022 confidential funds ng OP dahil aabot sa ₱24.93 million ang ginastos sa pagbili ng gamot at ₱34.85 million sa ilang produkto tulad ng silya at lamesa na inilagay bilang intelligence rewards. Ernie Reyes