Home NATIONWIDE Walang nanalo sa P157.8-M Grand Lotto 6/55 jackpot

Walang nanalo sa P157.8-M Grand Lotto 6/55 jackpot

1
0

MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng mahigit P157.8 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa draw nitong Miyerkules, Agosto 26, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Walang bettor ang nakatama sa winning combination na 12-50-24-32-09-06, na may katumbas na jackpot prize na P157,870,051.28.

Wala ring nakakuha ng jackpot sa Mega Lotto 6/45 matapos walang tumama sa kombinasyong 17-02-27-23-07-43.

Umabot sa P28,696,002.78 ang jackpot prize para sa naturang draw.

Sa Grand Lotto 6/55, kailangang maitugma ng bettor ang lahat ng anim na numerong mabubunot mula 1 hanggang 55 upang maiuwi ang jackpot. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here