Home METRO P12.34-B halaga ng ilegal na droga, winasak ng PDEA sa Cavite

P12.34-B halaga ng ilegal na droga, winasak ng PDEA sa Cavite

3
0
oplus_131072

CAVITE — Mahigit 2.2 tonelada ng ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P12.34 bilyon ang tuluyang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Trece Martires City, Cavite nitong Huwebes, Agosto 27.

Isinagawa ang thermal decomposition sa Integrated Waste Management Inc. sa Barangay Aguado, kung saan sinira ang kabuuang 2,224,679.9705 gramo ng solid dangerous drugs at 106,386.0500 milliliters ng liquid dangerous drugs matapos dumaan sa kinakailangang legal na proseso.

oplus_131072

Pinakamalaking bahagi ng winasak ang 1,774,023.9425 gramo o mahigit 1.7 tonelada ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P12.06 bilyon.

Kasama rin sa destruction ang mahigit 433 kilo ng marijuana, mahigit dalawang kilo ng cocaine, gayundin ang MDMA, ketamine, diazepam, nitrazepam, psilocybin at iba pang dangerous drugs.

Winasak din ang liquid methamphetamine at liquid marijuana, bukod sa 15 kilo ng assorted expired medicines.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, mahalaga ang agarang permanenteng disposal ng mga nakumpiskang droga upang matiyak na hindi na muling maibabalik ang mga ito sa ilegal na merkado at maging banta sa publiko.

Sinabi ng PDEA na ang mga winasak na droga ay mula sa mga operasyon ng ahensya at iba pang law enforcement units at dumaan na sa kaukulang legal na proseso bago isinailalim sa destruction.

Nasaksihan ang aktibidad ng Dangerous Drugs Board, Philippine National Police, lokal na pulisya, iba pang ahensya ng pamahalaan, partner organizations at mga kinatawan ng media.

Ang thermal decomposition ay regular na ginagamit ng PDEA sa permanenteng pagsira ng mga nakumpiskang droga. Sa mga naunang destruction activity sa parehong pasilidad sa Trece Martires City, isinailalim din sa prosesong ito ang mga drug evidence na inaprubahan nang sirain alinsunod sa umiiral na legal procedures.

Tiniyak naman ng PDEA na magpapatuloy ang interdiction at enforcement operations laban sa pagpasok at distribusyon ng ilegal na droga sa bansa. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here