Home METRO Most wanted ng Las Piñas, nasakote sa Cavite

Most wanted ng Las Piñas, nasakote sa Cavite

3
0

CAVITE – Arestado ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City police, katuwang ang Tanza Municipal police station at Cavite MARPSTA, ang tinaguriang most wanted person (MWP) sa Tanza, Cavite Miyerkules ng gabi, Agosto 26.

Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Fermin Armendarez ang nadakip na suspek na si alyas Patrick, 39-anyos, driver, at residente ng Tanza, Cavite.

Base sa report na isinumite ni Armendarez kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Glenn Oliver C. Cinco, nadakip ng mga operatiba ang suspek bandang alas alas-7:10 ng gabi sa Barangay Paradahan 1, Tanza, Cavite.

Ayon kay Armendarez, isinagawa ng pinagsanib na mga operatiba ang pag-aresto batay sa Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case No. 86635 para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property, alinsunod sa Article 365 ng Revised Penal Code.

Ang warrant, na may kalakip na service of sentence, ay inilabas noong Hulyo 16, 2026 ni Hon. Aida Dacara Coliflores-Romero, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 122, Las Piñas City.

Bilang pagsunod sa direktiba ng Korte Suprema, gumamit ang mga umaarestong pulis ng Alternative Recording Device (ARD) habang isinasagawa ang warrant.

Ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang nakasaad sa Konstitusyon at kasalukuyan siyang nakapiit sa Custodial Facility ng Tanza Municipal Police Station habang hinihintay ang kaukulang disposisyon ng korte.

Pinuri naman ni Cinco ang mga tauhan ng Las Piñas CPS, Tanza MPS, at Cavite MARPSTA dahil sa epektibong koordinasyon ng mga yunit.

Binigyang-diin ni Cinco na patuloy na makikipagtulungan ang SPD sa iba’t ibang hurisdiksyon upang matunton at maaresto ang mga pugante sa batas at maipatupad ang mga kautusan ng hudikatura. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here