Home HOME BANNER STORY Marcos ginawaran ng honorary Doctor of Laws ng PLM

Marcos ginawaran ng honorary Doctor of Laws ng PLM

1
0

MANILA, Philippines — Ginawaran ng Doctor of Laws, Honoris Causa ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes, Agosto 27.

Iginawad ang honorary degree sa Pangulo sa 58th Commencement Exercises ng PLM na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC), kung saan dumalo rin siya bilang commencement speaker. Ang naturang graduation ceremony ay nakatala rin sa opisyal na schedule ng PICC ngayong Agosto 27.

Ipinagkaloob ang pagkilala sa pamamagitan ng PLM Board of Regents sa rekomendasyon ni University President Atty. Domingo Reyes Jr.

Pinangunahan naman ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasama si Reyes, ang pagsusuot ng academic regalia kay Marcos bago ito pormal na ipinakilala sa graduating class.

“I receive this honor with gratitude, mindful of the responsibility that comes with it,” ani Marcos sa kanyang talumpati.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng edukasyon bilang daan hindi lamang sa personal na tagumpay kundi sa paglilingkod at pagpapaunlad ng bansa.

Iniugnay niya ito sa tema ng commencement exercises na “Mga Makabagong Pantas: Taglay ang Karunungan Tungo sa Kadakilaan at Kaunlaran.”

Hinimok ni Marcos ang mga nagtapos na gamitin ang kanilang natamong kaalaman at kakayahan upang makatulong sa kanilang kapwa at sa bansa.

“May your learning be guided by wisdom, your success measured by the lives that you uplift, and your achievements dedicated to the progress of our nation,” ani Marcos.

Nauna nang bumisita si Marcos sa PLM noong Pebrero 2026 para sa pagpapasinaya ng College of Allied Health Sciences Building, kung saan binigyang-diin din niya ang papel ng pamantasan sa pagbibigay ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan sa mga Manileño. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here