Home HOME BANNER STORY Winasak sa imprastraktura nina Luis, Maymay, Neneng, Habagat umabot sa P5.95-B

Winasak sa imprastraktura nina Luis, Maymay, Neneng, Habagat umabot sa P5.95-B

2
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa P5.95 bilyon ang pinsala sa imprastraktura dulot ng pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis, Maymay at Neneng at ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Huwebes, Agosto 27.

Batay sa ulat ng OCD alas-6 ng umaga, nasa P1.91 bilyon naman ang tinatayang pinsala sa sektor ng agrikultura.

Aabot na sa 7.7 milyong katao o 2.2 milyong pamilya ang naapektuhan ng sunod-sunod na masamang panahon sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Calabarzon, Cordillera Administrative Region, Metro Manila at Mimaropa.

Sa naturang bilang, nasa 28,000 indibidwal o 8,200 pamilya ang nananatili sa 325 evacuation centers.

Nasa 31 katao naman ang naiulat na nasawi, habang 19 ang sugatan at tatlo ang nawawala.

Pinakamaraming nasawi ang naitala sa Benguet, kung saan 15 ang namatay, karamihan dahil sa mga landslide sa Baguio City, La Trinidad at Atok.

Umabot din sa mahigit 2,800 bahay ang napinsala, kabilang ang humigit-kumulang 2,500 na partially damaged at 340 na totally damaged.

Samantala, nasa 104 lungsod at munisipalidad na ang nasa ilalim ng state of calamity.

Kabilang dito ang buong lalawigan ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales at Cavite, gayundin ang ilang lugar sa Pangasinan, Benguet, Rizal, Batangas at Occidental Mindoro.

Ayon sa OCD, umabot na sa P1.56 bilyon ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong komunidad.

Patuloy ang damage assessment at validation ng mga awtoridad kaya maaari pang magbago ang halaga ng pinsala at bilang ng mga apektado.RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here