MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Mark Villar sa Senado na agarang ipasa ang Senate Bill No. 2426 o proposed Comprehensive School Safety Act kasunod ng sunod-sunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan.
Sa kanyang co-sponsorship speech, sinabi ni Villar na kailangan ng komprehensibo at mabilis na tugon upang maprotektahan ang mga estudyante, guro at school personnel laban sa iba’t ibang banta sa loob at paligid ng mga paaralan.







