Home METRO Bumbero sugatan, 18 pamilya apektado sa sunog sa Muntinlupa

Bumbero sugatan, 18 pamilya apektado sa sunog sa Muntinlupa

1
0

MUNTINLUPA, Philippines – Isang bumbero ang nasugatan at 18 pamilya o 50 indibidwal ang naapektuhan matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Cupang, Muntinlupa noong Miyerkules, Agosto 26.

Ayon sa Muntinlupa City Fire Station, nagsimula ang sunog bandang 10:40 p.m. sa isang bahay sa East Kabulusan, East Service Road.

Umabot sa walong bahay ang natupok. Si Senior Fire Officer I Ric Jayson Celis, 44, ay nagtamo ng electrical burn at dinala sa Medical Center Muntinlupa para magamot.

Itinaas sa first alarm ang sunog bandang 10:51 p.m. at idineklarang fire out alas-11:46 p.m. Tinatayang P25,000 ang halaga ng pinsala.

Nagsagawa ang Social Services Department ng mapping at assessment, nagsagawa ng intake interviews, at namahagi ng disaster cards sa mga apektadong pamilya.

Nangako naman ang pamahalaang lungsod na magbibigay ng pagkain at non-food relief, magrerekomenda ng financial assistance, at magre-refer sa ibang ahensya para sa mga pamilyang may espesyal na pangangailangan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here