PAMPANGA – Arestado ang isang babaeng opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos umano itong maaktuhang nangikil sa isang applikante para sa posisyon bilang miyembro ng pamatay sunog sa ikinasang entrapment operation nitonng lunes, August 24, 2026 nang Central Luzon Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Maimpis, San Fernando City.
Sa ulat mula Kay CIDG Regional Field Unit 3 Chief Col. Grant A. Gollod, nag-ugat ang operasyon mula sa isang sumbong kaugnay ng di-umano’y “slots for sale” scheme sa recruitment ng BFP.
Humingi umano ang suspek ng ₱500,000 mula sa isang aplikante kapalit ng siguradong slot o pagkakapasok sa BFP.
Mahaharap ang naarestong sa mga kasong robbery-extortion at administrative charges. (ROEL TARAYAO)