Home METRO Babaeng ‘di nagbayad ng P40K sa natalong pustahan, arestado

Babaeng ‘di nagbayad ng P40K sa natalong pustahan, arestado

1
0

QUEZON CITY, Philippines – Isang 29-anyos na babae ang inaresto matapos umano nitong hindi mabayaran ang P40,000 na natalong pustahan sa sabong sa Novaliches, Quezon City, noong Martes ng gabi, Agosto 25.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jen,” residente ng General Mariano Alvarez, Cavite. Ayon sa pulisya, tumaya siya sa isang cockpit sa Sarmiento St., Barangay Sta. Monica, bandang alas-11 ng gabi.

Bago tanggapin ang kanyang pustahan, sinabi umano ni Jen sa collector na mayroon siyang sapat na pera upang bayaran ang P40,000 kung sakaling matalo.

Gayunman, natalo umano siya ngunit hindi nabayaran ang kanyang utang sa kabila ng paulit-ulit na paniningil. Sinabi umano ni Jen na hinihintay niya ang pera mula sa kanyang boss, ngunit hindi pa rin siya nakapagbayad.

Humingi ng tulong sa pulisya ang complainant, kaya rumesponde ang mga tauhan ng Novaliches Police Station 4. Inaresto si Jen bandang alas-11:30 ng gabi.

Narekober sa kanya ang betting ticket na katumbas ng P40,000 na pustahan.

Haharap si Jen sa reklamong estafa sa Quezon City Prosecutor’s Office. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here