Home NATIONWIDE PBBM, nagpaabot ng pakikidalamhati sa mga kaibigan sa Nepal na naapektuhan ng...

PBBM, nagpaabot ng pakikidalamhati sa mga kaibigan sa Nepal na naapektuhan ng nakamamatay na flashflood

1
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot ang Pilipinas ng pakikidalamhati sa mga kaibigan sa Nepal at sa lahat ng naapektuhan ng nakamamatay na flashflood, araw ng Miyerkules, Agosto 26.

“Our deepest sympathies go out to those who lost family, loved ones and friends. Please accept our most heartfelt prayers for strength in this difficult time,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang X post.

Nauna rito, hanggang sa ngayon ay wala pa ring naiuulat na Filipino casualty matapos manalasa ang malawakang flash flood sa border area ng Nepal at Tsina.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, sa ngayon ay wala pang naibabalita na may filipinong naapektuhan sa nasabing kaganapan.

“Ayon po sa OWWA, mayroong 18 OFWs in Nepal – ito po ay galing sa OWWA and DFA. Eighteen OFWs in Nepal at batay sa datos ng DFA, mayroong 128 reported Filipinos in Nepal and mostly women married to Nepalese,” ayon kay Castro.

“Nakikipag-coordinate na ang pamahalaan sa Nepalese authorities and with the Filipino community to determine if there are Filipinos affected by the incident,” aniya pa rin.

Bagaman walang naiulat na nasawi, ikinalungkot naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ganitong pangyayari.

Ang apela ng Malakanyang sa mga mamamayang filipino ay patuloy na ipagdasal ang maging magandang kondisyon ng mga tao na naapektuhan ng kalamidad sa Nepal.

Sa ulat, sinasabing hindi bababa sa 160 katao ang nasawi at daan-daan pa ang nawawala matapos manalasa ang malawakang flash flood sa border area ng Nepal at China, araw ng Miyerkules, Agosto 26.

Ayon sa Nepal police, umabot sa 162 ang nasawi sa bansa. Samantala, iniulat ng state broadcaster na CCTV na tatlo ang patay at 265 ang nawawala sa Gyirong County sa Tibet, malapit sa national border.

Sinabi ng mga eksperto na posibleng glacial collapse ang nagdulot ng sakuna sa umiinit na Himalayan region.

Makikita sa drone footage ang mga kalsadang nawasak at mga gusaling natabunan ng rumaragasang tubig na kulay basang semento. Iniulat naman ng state news agency na Xinhua ang malaking bilang ng mga nasawi.

Ayon sa mga opisyal sa Nepal, 403 katao ang naiulat na nawawala, kabilang ang 341 dayuhan.

Sinabi ni Sunil Sharma, tagapagsalita ng tourism board, na 133 sa mga nawawala ay mula India at patungo sa Mount Kailash sa Tibet para sa pilgrimage. Kabilang din sa mga nawawala ang 47 mula United States, 34 mula Australia, 33 mula Britain at 24 mula Canada.

Hindi bababa sa 62 nawawalang Nepali citizens ang kabilang sa daan-daang lokal na nag-trekking sa Gosaikunda Lake area sa Rasuwa district, na katabi ng Gyirong sa Tibet.

Nangyari ang insidente ilang araw bago ang lokal na pagdiriwang ng Janai Purnima sa Biyernes, Agosto 28. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here