MANILA, Philippines – Bumagsak sa bagong pinakamababang halaga sa kasaysayan ang piso ng Pilipinas laban sa US dollar nitong Huwebes matapos maglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mas mataas na tantiya sa implasyon dahil sa banta ng El Niño at posibleng pagtaas ng sweldo.
Nagtapos ang palitan sa P61.888 kada $1—mas mababa ng 23.8 centavos kumpara sa P61.65 noong Miyerkules. Ito ang pinakamahinang pagsasara ng piso mula noong Hulyo 24, 2026 (P61.847:$1).
Initaas ng BSP ang inflation outlook nito para sa 2027 sa 5.4% (mula 4.5% noong Hunyo) at sa 3.3% para sa 2028 (mula 3.1%). Sinabi ni RCBC chief economist Michael Ricafort na ang pagtaas ng tantiya sa implasyon ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng palitan.
Ayon naman sa isang trader: “The peso remains under pressure from a strong dollar, elevated oil prices, and lingering geopolitical risks.”
“The BSP hike provides some support, but with much of it already priced in, the peso will still take its cue from global risk sentiment and oil,” dagdag pa nito. RNT/MDS