Home NATIONWIDE Lahat ng military commanders alerto ng AFP sa BARMM polls

Lahat ng military commanders alerto ng AFP sa BARMM polls

1
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Antonio Nafarrete sa lahat ng military commanders na nakatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na manatiling biglante upang matiyak ang mapayapa at maayos na regional parliamentary election sa susunod na buwan.

inilabas ni Nafarrete ang kautusan sa military command conference sa Cotabato City, 18 araw bago ang makasaysayang Sept. 14 Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE).

“Remain vigilant, responsive, and prepared to address potential election-related challenges,” ayon kay Nafarrete sa isinagawang top-level command conference na kanyang pinangunahan Camp Siongco, sa headquarters ng 6th Infantry Division (6ID) ng Phil. Army sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nauna rito, mainit na tinanggap nina Brig. Gen. Ricky P. Bunayog, ang 6ID commander at head ng Army-led Joint Task Force Central, at Brig. Gen. Edgar L. Catu, assistant division commander, sina Nafarrete at Philippine Army chief Lt. Gen. Donald Gumiran sa miting.

Dumalo rin ang iba pang AFP senior officials sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.

Inatasan ni Nafarrete ang mga commander at personnel na palakasin ang koordinasyon, intelligence monitoring, at operational readiness sa kani-kanilang areas of responsibility.

Bago pa ang regional balloting, ang military personnel sa BARMM ay suportado ng 10,000 augmentation forces mula sa iba’t ibang Army units sa rehiyon.

Sinabi ni Bunayog na pinaigting ng AFP sa BARMM ang security measures para sa nalalapit na eleksyon, kung saan mahigpit na nakasubaybay ang liderato sa banta at mga kaganapan na maaaring makaapekto sa kapayapaan.

WInika ni Nafarrete na ang pinaigting na preparasyon ay sumasalamin sa commitment ng AFP na “to working closely with the Commission on Elections (Comelec), the Philippine National Police, local government units, and other stakeholders to address the BPE’s security concerns.”

Sa ngayon, ang Comelec ay nakapagtala ng isang kaganapan ng election-related violence sa BARMM, ang pananambang sa convoy ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua noong Agosto 15 sa bayan ng Datu Odin Sinsuat. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here