Home NATIONWIDE DOH pumalag sa report sa pagkamatay ng mga bata matapos mabakunahan

DOH pumalag sa report sa pagkamatay ng mga bata matapos mabakunahan

3
0

MANILA, Philippines – Naglabas na ng pahayag ang Department of Health (DOH) sa mga naiulat na pagkamatay na iniuugnay sa implementasyon ng Phase 3 ng MR-SIA campaign o Measles -Rubella Supplemental Immunization Activity nitong Biyernes.

Kasabay nito, nagpahayag ng lubos na pakikiramay ang DOH sa pamilya at mahal sa buhay ng batang pumanaw matapos mabakunahan.

Pagtitiyak ng DOH sa mga apektadong pamilya at sa publiko na tinututukan ng ahensya ang mga kasong ito.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya para sa masusing imbestigasyon sa mga naiulat na kaso sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga Adverse Events Following Immunization (AEFI).

Sinusuri rin ang mga clinical record, vaccination history, resulta ng laboratory tests, at iba pang kaugnay na impormasyon upang matukoy ang posibleng sanhi ng bawat kaso.

Binigyang -diin ng DOH na hindi awtomatikong sanhi ng bakuna ang hindi pangkaraniwang pangyayaring naganap matapos ang pagbabakuna.

Ayon pa sa DOH, ang mga ganitong kaso ay kailangan pang dumaan sa masusing pagsusuri at imbestigasyon ng mga eksperto upang matukoy kung may kaugnayan sa pagbabakuna o kung may iba pang posibleng sanhi.

Pinayuhan din ang publiko na iwasang gumawa ng mga konklusyon o magbahagi ng mga hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Giit ng ahensya, ang mga bakuna laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna kabilang ang tigdas at rubella ay ligtas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here