Home NATIONWIDE Mga korporasyon inatasan ng SC na magkomento sa petisyon vs TRO sa...

Mga korporasyon inatasan ng SC na magkomento sa petisyon vs TRO sa wage hike

1
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Inatasan ng Korte Suprema nitong Biyernes, Agosto 28, ang mga korporasyon na magpaliwanag hinggil sa petisyon na ibasura ang mga utos na inilabas ng hukuman sa Pasig laban sa pagpapatupad ng dagdag na P85 sa minimum wage sa Metro Manila.

Sa isang press statement, inutusan ng SC ang Readycon Trading and Construction Corporation, R-II Builders Inc., at ang Alliance of Philippine Fishing Federations Inc. na magsumite ng komento sa petisyon sa loob ng 10 araw mula sa pagtanggap ng abiso.

Bukod dito, inutusan din ng SC ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng National Capital Region o RTWPB-NCR at ang National Wages and Productivity Commission o NWPC na magsumite ng kanilang komento.

Inihain ang petisyon ng Kampihan ng Maralita at Manggagawa o KAMANGGAGAWA Party-list at iba pa.

Noong Hulyo, naglabas ang Pasig Regional Trial Court o RTC ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng pagtaas ng sahod.

Matapos itong mag-expire, nag-utos ang RTC ng preliminary injunction sa pagpapatupad matapos mag-post ng P10 bilyong bond.

Hinihiling ng mga petitioner sa SC na agarang aksyunan ang kanilang naunang petisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here