Home NATIONWIDE Gastos sa ospital ng mga tinamaan ng leptospirosis dapat akuin ng DOH...

Gastos sa ospital ng mga tinamaan ng leptospirosis dapat akuin ng DOH – Barbers

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si dating Surigao del Norte Representative at House Impeachment Team Adviser Robert Ace Barbers sa Department of Health (DOH) na magpatupad ng isang programang katulad ng Bayanihan upang sagutin ng pamahalaan ang gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis.

Iginiit ni Barbers na kailangang akuin ang responsibilidad dahil ang pagkalat ng naturang sakit ay tuwirang epekto ng mga palpak na flood control project at kakulangan sa solid waste management.

“People are being made to suffer the consequences of failed flood control programs and inadequacies of local government units and other agencies in giving timely warnings and anticipations of weather disturbances. These shortcomings force the people to brave the floods and suffer the consequences. This unfairly results in the people contracting the life-threatening flood borne diseases,” paliwanag ni Barbers.

Ayon kay Barbers, hindi na dapat pang pagdusahin ang mga ordinaryong mamamayan na napilitang lumusong sa baha dahil sa kawalan ng maayos na sistema at alternatibong transportasyon, aniya, siksikan na ang mga emergency room sa mga pampublikong pagamutan at wala ring kakayahan ang mga mahihirap na magpagamot sa mga pribadong ospital.

Kaugnay nito, hiniling din niya sa mga lokal na pamahalaan at ahensya ng seguridad na magpakalat ng mga angkop na sasakyan upang masundo ang mga stranded na pasahero at tuluyang maabutan ng agarang tulong ang publiko. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here