Home NATIONWIDE Higit 700 residente inilikas sa matinding pagbaha sa Cabangan, Zambales

Higit 700 residente inilikas sa matinding pagbaha sa Cabangan, Zambales

1
0

MANILA, Philippines – Mahigit 700 residente ang inilikas sa kanilang mga tirahan dahil sa matinding pagbaha sa Cabangan, Zambales.

Ayon kay Champ del Rosario, pinuno ng Cabangan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang 245 pamilya o 719 indibidwal ay tumutuloy sa 10 evacuation center hanggang nitong Biyernes ng hapon, Agosto 28.

Mahigit kalahati ng mga evacuee ay mula sa Barangay Mabanglit, kung saan 180 pamilya o 518 indibidwal ang sapilitang inilikas sa kanilang mga tirahan.

Apektado rin ang mga barangay Apo-Apo, San Rafael, Anonang, Casabaan, Cadmang at Sta. Rita.

“The flooding was considered significant in the said areas where floodwaters reached above knee level,” sinabi ni del Rosario.

Nalubog din sa baha ang mga sakahan.

Napaulat na hindi naman madaanan ang National Highway sa Mabanglit dahil sa malalim na baha. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here