Home NATIONWIDE Tulong sa mga pasyente ng leptospirosis sa Maynila bumuhos

Tulong sa mga pasyente ng leptospirosis sa Maynila bumuhos

2
0

MANILA, Philippines – Bumuhos ang tulong para matugunan ang mga kinakailangan ng bawat pasyente ng leptospirosis dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha.

Ito ay sa gitna ito ng patuloy na pagtugon ng San Lazaro Hospital sa pagdagsa ng mga pasyente ng naturang sakit.

Bukod sa mga NGOs at partner organizations, nagpaabot rin ng kanilang tulong at suporta sa SLH ang mga DOH hospitals.

Nabatid na nagpadala ng karagdagang doctors, nurses, nursing attendants at administrative staff ang DOH.

Bukod pa sa tent, kama, at karagdagang capsules ng doxycycline kung kaya’t napalakas ang kapasidad ng San Lazaro Hospital na magbigay ng kinakailangang serbisyo at pangangalaga sa mga pasyente.

Ilan sa mga medocal personnel na idineploy ay mula sa Valenzuela Medical Center (VMC), Dr. Jose R. Reyes Memorial Medical Center. Dr. Jose Fabella Memorial Hospital. Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala), Philippine Red Cross at Philippine Blood Center

Kaugnay nito, sinisiguro ng pamunuan ng San Lazaro Hospital na matutukan nila ang bawat pasyente na tinamaan ng leptospirosis kung saan hangad nila ang agaran paggaling ng mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here