MANILA, Philippines – Sa isinagawang taunang halalan ng Camanava Press Corps muling nahalal bilang presidente si Ismael “Ka Maeng” Santos ng pahayagang Bulgar para sa taong 2026-2027.
Ginawa ang taunang halalan sa tanggapan ng Caloocan City Police Headquarters, kung saan muling binigyan ng tiwala si Santos dahil sa kanyang maayos na pamumuno.
Kasama sa bagong hanay ng mga opisyal sina Edd Reyes ng People’s Journal bilang Vice President; Merly Iral ng Remate Online bilang Secretary; Richard Mesa ng People’s Balita bilang Treasurer; Jojo Rabulan ng Remate bilang Auditor; at Vick Aquino ng Hataw bilang Chairman of the Board.
Mga Director naman sina Jovy Lucero ng Agila ng Bayan, Edgar Rabulan ng Remate, Freddie Ng ng Radyo Agila, Ludwig Lechadores ng Metro Daily News, Hanna Nicol ng Manila Bulletin, at James Paragas ng Metro Daily News.
Nagpasalamat ang grupo kay National Press Club Director Jojo Sicat, na nagsilbing Election Officer, gayundin kay Caloocan City Chief of Police PCOL. Joey Goforth sa suporta, pagpapagamit ng venue, at tulong upang maging matagumpay ang halalan.
Nagpasalamat din ang Camanava Press Corps sa iba pang mga opisyal na tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng halalan. Jojo Rabulan