MANILA, Philippines – May mataas na posibilidad na maging tropical depression ang isang low-pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo, ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang LPA 1,340 kilometro silangan ng extreme northern Luzon bandang alas-3 ng madaling araw.
“Based on our latest data, this low-pressure area is likely to become a tropical cyclone within the day and we will call it Pilandok,” ayon kay Pagasa weather specialist Obet Badrina.
Ayon kay Badrina, habang kumikilos pakanluran ang LPA patungo sa kalupaan, maaari nitong palakasin ang Southwest Monsoon o Habagat, na nagdudulot na ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Bukod sa LPA, mino-monitor din ng PAGASA ang dalawa pang weather systems sa loob ng PAR. Kabilang dito ang Tropical Depression Saudel, na dating tinawag na “Obet,” ngunit wala umanong direktang epekto sa bansa.
Huling namataan ang Saudel 1,105 kilometro kanluran-hilagang-kanluran ng extreme northern Luzon, na kumikilos patungong timog-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 kph at pagbugso na hanggang 75 kph. RNT/MDS