Home SPORTS Future ng Philippine Futsal uusbong sa San Juan

Future ng Philippine Futsal uusbong sa San Juan

3
0

MANILA, Philippines – Pormal na inilunsad ng Philippine Sports Commission (PSC), ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan at ng Philippine Football Federation (PFF) noong Sabado ang kauna-unahang Futsal Developmental Program ng lungsod, na nagbukas ng mga pinto para sa libu-libong kabataa ng San Juaneño upang matuklasan at paunlarin ang kanilang potensyal sa sport.

Nanguna sa seremonya sina San Juan City Mayor Francis Zamora, PSC Chairman Patrick Gregorio at PFF President John Anthony Gutierrez, na magkasamang nag-turn over ng mga goal at bola ng futsal para simulan ang grassroots initiative. Nag-donate ang PSC ng 20 sets of goals at 120 futsal balls, tinitiyak na lahat ng 21 barangay ng San Juan ay makikinabang sa programa.

“Ito ang gusto natin: LGUs collaborating with PSC and the NSA. Ang mas matibay na pakikipagsosyo ay nangangahulugang mas matibay na mga programa. Kung tumataya ang PSC, gusto namin tumaya din ang LGU. Mas stronger ang collaboration kapag ganyan ang usapan,” ani Chairman Gregorio.

“ Ang aking bisyon ay magtatag ng mga dedikadong sports club para sa bawat sport, sa malapit na pakikipagtulungan sa mga local government units at Department of Education,” dagdag ni Gregorio.

Ang paglulunsad ay nakakuha ng 125 bata na lumahok sa mga klinika at palakaibigang kumpetisyon, sa gabay ni Rafa Merino Rodriguez, Head Coach ng Philippine Women’s National Futsal Team.

“Wala kaming lupa para sa football fields, pero marami kaming wooden basketball courts na nakakalat sa 17 barangays. Sa tulong ng PSC at PFF, maaari na nating gawing futsal venues ang mga espasyong ito,’’ sabi ni Mayor Zamora, na binigyang-diin ang natatanging bentahe ng lungsod.

“Ito ang aming unang programa sa futsal, at kami ay nasasabik para sa mga kabataan at maging sa mga matatanda na mahilig sa football,” dagdag ni Zamora.

Ang milestone na ito ay kasunod ng matagumpay na pagho-host ng Pilipinas ng FIFA Futsal Women’s World Cup noong Nobyembre, isang event na nakakuha ng PFF dual honors sa 7th Philippine Sports Tourism Awards: National Sports Association of the Year at International Event of the Year.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here