Home NATIONWIDE 22 Pinoy seafarer, umuwi matapos ng missile attack sa Black Sea

22 Pinoy seafarer, umuwi matapos ng missile attack sa Black Sea

1
0

MANILA, Philippines — Nakauwi na sa Pilipinas ang 22 Pilipinong seafarers matapos silang i-repatriate kasunod ng missile attack sa kanilang barko sa Black Sea, Ukraine.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Linggo sakay ng Turkish Airlines Flight TK084.

Sakay ang mga seafarer ng Liberia-flagged bulk carrier M/V Antonia S nang tamaan ito ng missile noong Agosto 19 habang nakadaong sa Chornomorsk, Ukraine. Matapos ang pag-atake, inilikas sila at pansamantalang nanirahan sa Chornomorsk Port habang hinihintay ang kanilang pag-uwi.

Pagdating sa NAIA, sinalubong sila ng mga tauhan ng DMW, Overseas Workers Welfare Administration at medical team ng Manila International Airport Authority.

“Isama ninyo sa inyong mga panalangin ang ating mga kababayang seafarers na patuloy na naglalayag sa mga lugar na apektado ng giyera. Higit sa lahat, ipanalangin natin na matapos na ang digmaan at matigil na ang karahasan na patuloy na naglalagay sa panganib sa buhay ng ating mga seafarers,” ani DMW Assistant Secretary Augustus San Diego III.

Binigyan din ang mga seafarer ng AKSYON Fund financial assistance para sa agarang pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa krisis o emergency.

Isasailalim din sila sa medical at psychological assessments upang matugunan ang kanilang pisikal at psychosocial na pangangailangan matapos ang traumatikong insidente.

Pinaalalahanan ng DMW ang mga manning agency na patuloy na bantayan ang kalagayan ng mga Pilipinong seafarer, tiyaking nasusunod ang mga safety precaution at protocols para sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here