Home METRO Sunog Apog pumping station bantay-sarado ng PCG sa insidente ng nakawan ng...

Sunog Apog pumping station bantay-sarado ng PCG sa insidente ng nakawan ng kable

1
0

MANILA, Philippines – Bantay sarado na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)  ang Sunog Apog Pumping Station matapos pagnakawan ng specialized cable ang pasilidad sa kasagsagan ng Habagat.

Dahil dito, hindi gumana ang pumping station at nagresulta sa abot-bewang na baha sa lugar noong Sabado, Agosto 29.

Ang deployment ng PCG ay upang bantayan ang seguridad ng mga pumping station at matiyak na hindi na mauulit ang nakawan.

Ayon sa mga residente, malaking tulong sa kanilang komunidad ang Sunog Apog Pumping Station dahil ilang linggo na silang hindi binabaha bago nangyari ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here