MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting na limang senior Associate Justices ang inanyayahan ng Judicial and Bar Council o JBC na mag-apply para maging Chief Justice ng Korte.
Kabilang sa mga pinakamatatandang justices sina Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen at Associate Justices Alfredo Benjamin S. Caguioa, Ramon Paul L. Hernando, Henri Jean Paul B. Inting, at Rodil V. Zalameda.
Ito ay para punan ang bakanteng posisyon na maiiwan sa pagreretiro ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo.
Ayon kay Atty. Ting, mula pa noong unang bahagi ng 2000s, sinusunod na ng JBC ang ganitong kaugalian na anyayahan ang limang pinakamatatandang Associate Justices na mag-apply sa posisyon ng Chief Justice bilang paggalang at pagkilala sa kanilang seniority.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng Korte Suprema, ang dating impormal na kaugalian ay naging opisyal nang patakaran ng JBC. Jocelyn Tabangcura-Domenden