Home NATIONWIDE Mabigat na daloy ng trapiko asahan pa rin sa NLEX; ilang entry,...

Mabigat na daloy ng trapiko asahan pa rin sa NLEX; ilang entry, sarado

1
0

BULACAN, Philippines – Nananatiling sarado nitong Martes ng hapon ang Libtong Exit, Sta. Rita entry, at Pulilan entry sa northbound lanes ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa pagbaha at pag-ipon ng tubig. Inaasahan ang mabigat na trapiko sa ilang bahagi ng expressway, ayon sa NLEX Corporation.

Northbound: Sarado ang Libtong Exit dahil sa local flooding, habang pansamantalang sarado sa lahat ng uri ng sasakyan ang Sta. Rita at Pulilan entries. Sa Tulaoc (San Simon), bukas ang Lane 1 sa lahat ng sasakyan ngunit ang Lane 2 ay para lamang sa Class 2 at 3 vehicles, habang mabigat ang trapiko. Mabigat din ang trapiko sa San Simon Interchange, kung saan bukas ang Lane 1 sa lahat ng sasakyan at ang Lane 2 sa Class 2 at 3 vehicles.

Southbound: Bukas sa lahat ng sasakyan ang Balintawak, Valenzuela, at Meycauayan, na may magaang trapiko. Sa Tulaoc (San Simon), bukas ang Lane 1 sa lahat ng sasakyan habang ang Lane 2 ay para sa Class 2 at 3 vehicles, ngunit mabigat ang trapiko. Sa San Simon Interchange, bukas ang Lane 1 ngunit hindi madaanan ang Lanes 2 at 3, na nagdudulot ng mabigat na trapiko.

Sa advisory na inilabas alas-3 ng hapon, sinabi ng NLEX Corporation na maaaring dumaan ang mga southbound motorist sa CLLEX o Mexico bilang alternatibong ruta. Ang road at traffic conditions ay batay sa sitwasyon alas-3:20 ng hapon noong Setyembre 1, 2026. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here